-- Advertisements --

Muling magbubukas ang Lagusnilad underpass sa Maynila sa mga motorista sa Martes, Nob. 28, pagkatapos ng anim na buwang rehabilitasyon.

Ang rehabilitasyon ng major passage ay nagsimula noong Mayo 2.

Una nang inihayag ng Manila Public Information Office (MPIO) na target nilang matapos ang rehabilitation project sa buwan ng Setyembre, ngunit na-extend ito dahil sa pagkaantala ng pagpapatayo ng mga chambers ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Binigyan ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang DPWH ng hanggang Nobyembre 30 para tapusin ang rehabilitasyon.

Nangako rin siyang titiyakin na matatapos ang proyekto bago ang Disyembre.

Magbubukas muli ang Lagusnilad underpass sa Martes pagkatapos ng programa ng lokal na pamahalaan sa ganap na 8:30 ng umaga.