Ipinag-utos ni Laguna Governor Ramil Hernandez ang pagbabawal ng pagbebenta ng lahat ng uri ng alak ng lambanog.

Kasunod ito sa pagkasawi ng walong katao at pagkakaospital ng ilang daan dahil sa pag-inom ng lambanog sa Rizal, Laguna.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad iisang uri ng lambanog ang kanilang nainom kung saan iisa rin ang lugar kung saan nila ito binili.

Nagdeklara naman ng state calamity si Rizal, Laguna Mayor Vener Muñoz matapos ang nangyaring pagkalason ng mga biktima.

Nagmula sa iba’t-ibang barangay sa Rizal ang mga biktima kung saan nananatili pa rin sa pagamutan ang ilang mga biktima.