Nagpahayag ng suporta si Pangulong Bongbong Marcos sa panukala na pagpapatupad ng isang “ladderized” program para sa mga nurse upang mapalakas ang healh sector sa bansa.
Sa pakikipagpulong ng Pangulo sa Private Sector Advisory Council (PSAC) sa Malacanang, natalakay ang usapin sa ilang hamon na kinakaharap ng health sector ng bansa kabilang ang isyu sa mga nurse at health professionals na umaalis sa bansa para magtrabaho abroad.
Ang ladderized program na ito ay pinalutang ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario na kasalukuyang iniimplemanta na sa University of the Philippines-Manila at sinimulan na rin sa ilang local government units (LGUs).
Sa ilalim ng programa, sa naturang unibersidad sa Manial inaalok ang dalawang taong scholarship para sa mga midwives na nakakumpleto na ng kurso para magsilbi sa komunidad.
Matapos na makakuha ng experience ay babalik ito sa unibersidad para mag-aral ng kursong nursing para sa panibagong dalawang taon.
Inihayag naman ng Pangulong Bongbong Marcos na isa sa mga programa na makaktulong para hindi na mangibang bansa pa ang medial practitioners ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng scholarships.
Kugnay nito, nakipag-ugnayan na rin ang pamahalaan sa TESDA para tumulong sa pagtugon ng concern na ito sa heatth sector.
Sa katunayan, nagaalok ang TESDA ng anim na buwang nursing aide course kung saan ang mga graduates ay maari ng maideploy sa ospital matapso ang ilang buwan.