Nanindigan si Sen. Panfilo Lacson sa mungkahi nito na gawing localized ang peace talks kasunod ng inaasahang pagbabalik nito pagpasok ng taong 2020.
Ayon sa senador, malinaw na indikasyon ang patuloy na pag-atake ng ilang New People’s Army (NPA) sa hindi na pagsunod o pakikinig nito sa kanilang founder na si Jose Maria Sison ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Para kay Lacson, localized peace talks ang mas mabuti at epektibong paraan ng pagbabalik sa usaping pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at mga rebelde.
“The latest attack on our soldiers by NPA rebels despite the ceasefire simply means that they don’t listen to Joma Sison anymore,” ani Lacson.
“Either that, or he cannot and should not be trusted. Localizing the peace talks is still the better way, I think.”
The latest attack on our soldiers by NPA rebels despite the ceasefire simply means that they don’t listen to Joma Sison anymore. Either that, or he cannot and should not be trusted. Localizing the peace talks is still the better way, I think.
— PING LACSON (@iampinglacson) December 24, 2019
Kasabay ng pagdedeklara ng holiday ceasefire ng CPP-NPA-NDF nitong Lunes, pinaulanan ng bala ng mga pinaghihinalaang NPA rebels ang grupo ng mga sundalo sa Camarines Norte.
May mga inambush din na hanay ng pulisya sa Iloilo ng suspected communist rebels kung saan dalawang pulisya ang sugatan.