Ipauubaya na lang umano ni Sen. Panfilo Lacson sa economic advisers ng Pangulong Rodrigo Duterte ang maaaring pagtukoy sa mga kwestyunableng bahagi ng P4.5 trillion 2021 national budget.
Ayon kay Lacson, ayaw niyang mapag-isipan na walang tiwala sa mga miyembro ng gabinete.
Para sa senador, nasabi na niya ang ilang punto na nais bigyang pansin sa pambansang pondo, upang mangyari ang tunay na “pork free budget” sa susunod na taon.
Kaya naman, maging ang posibilidad na pagsusumite ng liham sana kay Pangulong Duterte para markahan ang kinikwestyong P83.87 billion infra funds national budget ay hindi na raw niya gagawin.
Maghihintay na lang daw siya na i-veto ng chief executive ang bahaging ito ng pambansang pondo, lalo’t naniniwala siyang hindi kukunsintehin ng presidente ang mga hakbang na may bahid ng katiwalian.