-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Inaresto ng mga kasapi ng Aritao Police Station ang isang manggagawa matapos maaktuhang nagbebenta ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana sa Nagcuartelan, Aritao, Nueva Vizcaya.

Ang suspek ay si Jovel Lahom alyas Justine, 20 anyos, laborer at residente ng San Leonardo, Bambang, Nueva Vizcaya.

Nahuli sa aktong nagbebenta ng dalawang sachet ng hinihinalang dahon ng Marijuana si Lahom sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer kapalit ng P/500.00.

Nang kapkapan ay nakuha pa sa pag-iingat ni Lahom ang perang ginamit sa nasabing operasyon at cellphone na hinihinalang ginagamit sa kanyang transaksiyon

Maituturing na newly calibrated drug personality ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs act of 2002).