-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi na ibabalik sa Maynila ang labi ni dating Ozamiz City councilor Ardot Parojinog bagkus ay agad nang dahil agad nang ililibing ito sa sa kanyang hometown sa Ozamiz City, Misamis Occidental.

Ayon kay Police Regional Office-10 Director Brig Gen Rolando Anduyan, napag-desisyunan ng kanilang top officials sa Camp Crame na huwag nang ibiyahe pabalik ng Manila ang labi ni Parojinog dahil sa umiiral na health at safety protocols sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Nakipag-ugnayan na rin aniya ang pamilya ng dating councilor para humingi ng pahintulot na mabigyan ng pormal na libing sa kanilang lugar.

Si Ardot ay babasahan sana ng kanyang mga kasong kriminal sa korte kaya iniluwas mula Maynila subalit nadiskobre itong patay habang nasa loob ng selda.

Nagkaroon umano ngcardio pulmonary arrest secondary to cardio vascular disease at probable COVID-19 disease si Parojinog.