-- Advertisements --

Naiuwi na sa Pilipinas ang labi ng Pinoy lawyer na si John Albert “Jal” Laylo na namatay sa pamamaril sa Philadelphia noong June 20 ng kasalukuyang taon.

Magugunita na si Laylo ay nagtungo sa US kasama ang kaniyang ina para bisitahin ang kanilang kamag-anak na naging brain-dead matapos ang nangyaring road shooting incident noong June 19 sa kabisera ng Philadelphia sa Pennsylvania at nasawi umaga ng June 20 habang ang kaniyang ina ay nagtamo naman ng minor injuries.

Sa nagyon, hawak na ng mga imbestigador ang kopya ng security video kung saan nakunan ang isang black Nissan Maxima sa pinangyarihan ng pamamaril.

Tinitignan ngayon ng police nag anggulo ng road rage o random shooting bilang posibleng motibo sa shooting incident sa Philadelphia.

Subalit nauna ng sinabi ni New York Consul General Elmer Cato na maaring ang pagkakabaril sa Pinoy lawyer ay isang kaso ng mistaken identity.