-- Advertisements --
image 368

Nakatakdang maiuwi na sa bansa ang labi ng napatay na Pinay domestic worker na si Mary Grace Santos sa Amman, Jordan bukas, araw ng Sabado, Oktubre 21.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnell Ignacio, 34 anyos na OFW ay isang domestic helper ng isang magasawang matanda sa Amman na brutal na pinatay ng isang minor Egyptian na lalaki noong unang bahagi ng Oktubre.

Hindi naman na idinetalye pa ng OWWA officiala ng brutal na pagpatay kay Santos subalit nilinaw nitong hindi ginahasa ang Pinay kundi ang sakal umano ang ikinamatay nito.

Una ng napaulat na nawawala ang Pinay worker sa Amman, Jordan noong Oktubre 11 kung saan natagpuan ang kaniyang angkay isang araw ang nakalipas.

Ayon kay OWWA Admin Ignacio, naaresto na ang 16 anyos na suspek at nakakulong na.

Samantala, nakikipag-ugnayan na ang OWWA sa pamilya ni Santos at bilang mandato ng ahensiya ay magbibigay ng full educational assistance ang OWWA sa naulilang anak ng nasawing Pinay worker maging sa funeral assistance