Nakatakdang iuwi sa Pilipinas ang labi ng dalawang Pilipinong nurse na nasawi sa Libya kamakailan, ayon sa Philippine Embassy sa Libya.

Sa isang Facebook post, kinilala ng embahada ang pumanaw na dalawang nurse sa Tripoli na sina Herminia Estrada at Glenna Deza.

Kapwa binawian ng buhay ang mga ito dahil sa mga “non-coronavirus complications” sa mga nakalipas na linggo.

Iuuwi ang labi ng mga ito sa pamamagitan ng special flights ng Libyan Airlines at Philippine Airlines.

Inayos ng Philippine Embassy sa Libya, Department of Foreign Affairs sa Manila, at ng Ministry of Foreign Affairs and International Cooperation sa Tripoli ang repatriation ng labi ng mga nasawing OFWs.