KALIBO, Aklan – Inaasahang magiging three-cornered fight ang labanan sa pagka-alkalde sa bayan ng Malay na siyang may hurisdiksyon sa isla ng Boracay sa 2022 elections.

Maliban sa siguradong kandidatura ni Malay acting mayor Frolibar Bautista sa ilalim ng Tibyog Akean, kumakalat rin ang balitang tatakbo si Marlyn Gregorio Villaresis, dating kagawad ng Barangay Yapak sa isla.

Matunog rin ang pangalan ni Yapak punong barangay Hector Casidsid na sasabak sa mayoralty race.
Sa kabilang daku, inaasahang magiging ka-tandem ni Bautista si acting vice mayor NiƱo Carlos Cawaling, anak ni dating mayor Ceciron Cawaling habang magiging vice mayor ni kagawad Villaresis si Manocmanoc barangay captain Nixon Sualog.

Nabatid itinalagang acting mayor si Bautista matapos mapatalsik sa pwesto si Ceciron Cawaling ng Office of the Ombudsman.