-- Advertisements --
image 268

Inabot ng overtime ang thriller sa pagitan ng Golden State Warriors at Sacramento Kings kaninang umaga, kahit na ito ay bahagi pa lamang ng pre-season ng NBA.

Sa kabuuan ng laro, nagpalitan ang dalawang koponan ng kanilang magagandang opensa at depensa na naging daan ng mahigpit na kompetisyon.

Sa unang kwarter ng laro, tinambakan ng Kings ang Warriors at nagtapos ito ng 38 – 25.

Agad namang bumawi ang GS sa ikalawa at ikatlong kwarter hanggang sa nagawa nilang maitabla ang score bago magsimula ang 4rth quarter.

Sa kabuuan ng 4th quarter, kapwa nagpasok ng 28 points ang dalawang koponan, dahilan upang maitala ng dalawa ang score na 111.

Dahil dito, pumasok ang 5-mins overtime game ngunit naging malamya na ang performance ng Kings. Nagawa lamang ng naturang koponan na makapagpasok ng 4points habang ang Golden State ay tumipa ng 10 big points.

Naging susi sa panalo ng Warriors ang magandang shooting performance ni Jonathan Kuminga na nagbulsa ng 28 points habang nag-ambag naman si Andrew Wiggins ng 20 points sa limitadong panahon ng kanyang paglalaro.

Nanguna naman si Domantas Sabonis na may 19 points 11 rebounds, sa koponan ng Kings, habang nag-ambag ng 17 points 6 assists ang point guard na si De’Aaron Fox.