-- Advertisements --

Nagpapatuloy pa rin ang labanan sa pagitan ng paramilitary Rapid Support Forces (RSF) at mga sundalo ng Sudan.

Sinakop umano ng grupo ang tinaguriang pinakamalaking headquarters ng kapulisan sa Khartoum.

Ang nasabing labanan ay nasa pang-11 linggo kung saan makailang beses na ang isinagawang ceasefire ay hindi sumusunod ang magkabilang panig.

Magugunitang aabot na sa 2.5 milyon mga katao ang lumikas at ilang libong residente na rin ang nawalan ng tirahan dahil sa patuloy na labanan sa Sudan.