-- Advertisements --
Natapos sa tabla 1-1 ang paghaharap ng Ecuador at Netherlands ang Group A match ng nagpapatuloy na 2022 FIFA World Cup sa Qatar.
Unang nakapagtala ng goal ay si Cody Gakpo ng ranked 8 na Nehterlands sa unang 10 minuto ng first half.
Pagpasok ng second half ay naging matindi ang pagdepensa ng mga koponan kung saan sa loob ng 53 minuto ay naipasok ni Enner Valencia ang goal para maitabla ng ranked 44 na Ecuador sa 1-1 ang laban.
Dahil sa goal ay nanguna na si Enner Valencia ng goal scorers ngayong World Cup 2022 na mayroong tatlong goal na naitala.
Naging matindi ang depensa ng magkabilang panig hanggang matapos na lamang full time na natapos sa 1-1 ang laro.