-- Advertisements --
Nagtapos sa tabla 0-0 ang laban ng Denmark at Tunisia sa Goup D sa nagpapatuloy na FIFA World Cup sa Qatar.
Kapwa naging mahigpit ang depensa ng magkabilang koponan sa laro na ginanap sa Education City Stadium.
Ito kasi ang pagbabalik sa paglalaro ni Denmark midfielder Christian Eriksen matapos na ito ay maatake sa puso sa kalagitnaan ng football field noong Euro 2020.
Nabigo ang Danes na makakuha ng tatlong puntos sa Group D kung saan ka-grupo nila ang defending World Cup champion France.










