-- Advertisements --

Nagtapos sa goalless draw ang laban ng Croatia sa Morocco para sa kanilang Group F game sa nagpapatuloy na FIFA World Cup 2022 sa Qatar.

Naging impresibo ang ginawang depensa ng Morocco sa World Cup 2018 runner up na Croatia para hindi sila nakapag-goal sa laro na ginanap sa Al Bayt Stadium.

Nasa rank number 12 sa FIFA World rankings ang Croatia habang ang Morocco ay ranked 22.

Ito na ang pangatlong goalless draw ngayong FIFA World Cup na una ay ang laban ng Denmark at Tunisia ganun din ang laban ng Poland sa Mexico.

Habang iisa lamang ang nagtala ng goalless draw noong 2018 World Cup na ginanap sa Russia.

Susunod na makakalaban ng Croatia ang Canada sa Linggo habang Morocco ay makakaharap din ang Belgium sa parehas na araw.