-- Advertisements --
Inamin ng gin kings star na si LA Tenorio na na-diagnose siya na may colon cancer.
Sa maikling pahayag, sinabi ni Tenorio na nasa stage 3 ito at nagpapatuloy ang gamutan.
Nabatid na naoperahan din ang basketball star noong nagdaang linggo lamang.
Pagbabahagi nito, sinikap naman niyang maging malusog subalit hindi na niya kontrolado ang pagkakaroon ng seryosong sakit na katulad nito.
Pinawi naman ni Tenorio ang pag-aalala ng kaniyang fans dahil hindi pa raw siya magreretiro sa Philippine Basketball Association (PBA).
Sasali pa rin daw siya sa iba pang mga aktibidad, hangga’t kaya ng kaniyang pangangatawan.