-- Advertisements --
Nakasama na ng Barangay Ginebra sa ensayo si ‘Iron Man’ LA Tenorio matapos ang pakikipaglaban sa sakit na stage 3 colon cancer noong Pebrero.
Noong nakaraang buwan ay inanunsyo ng 39-anyos na si Tenorio na cancer-free na siya matapos ang walong buwang gamutan at surgery sa ibang bansa nang ianunsyo ang sakit na stage 3 colon cancer.
Matatandaang noong Marso, inihayag ni Tenorio na siya ay may diagnosis ng stage 3 colon cancer kung saan hindi siya nakapaglaro ng ilang PBA conference sa koponan.
Magsisimula naman ang PBA sa Nobyembre 5 at inaabangan ng mga Ginebra fans si Tenorio kasama na rin ang mga bagong salta sa liga.