Nagpakawala na ng tubig ang La Mesa Dam sa Quezon City matapos maabot ang spilling level nito dahil sa ulan ng bagyong Ulysses, ayon sa Philippine Information Agency (PIA).
Batay sa online post ng PIA, sinabi ng ahensya na may impormasyon mula sa manager ng La Mesa Dam ukol sa pagpapakawala nito ng tubig kaninang alas-9:30 ng umaga.
Ang spilling level ng naturang dam ay 80.15-meters.
Nauna nang nagbabala ang PAGASA sa mga residente ng low-lying areas malapit sa Tullahan River sa Valenzuela at Quezon City na lumikas.
“Waters from La Mesa Dam is expected to affect the low-lying areas along the Tulahan River from Quezon City, Valenzuela, and Malabon,” ayon sa PAGASA.
La Mesa Dam Situationer as of 4:30 AM, 12 November 2020 #FloodPH
Posted by Dost_pagasa on Wednesday, November 11, 2020
Kabilang daw sa mga maaapektuhan ng spillng activity ng dam ang Fairview, Forest Hills Subdivision, Quirino Highway, Sta. Quiteria at San Bartolome (Quezon City); at Brgy. Ligon, North Expressway, La Huerta Subdivision) (Valenzuela).