Umamin umano ang walong deputies ng Los Angeles County na kumuha sila ng mga larawan sa pinangyarihan ng helicoper crash sa California kung saan nasawi ang NBA star na si Kobe Bryant at walong iba pa noong Enero 26.

Ayon kay LA County sheriff Alex Villanueva, labis daw itong nadismaya at nasaktan sa ginawa ng naturang mga opisyal.

-- Advertisement --

Sinabi pa ni Villanueva, binura na rin daw ng mga deputies ang lahat ng mga imahe na kanilang kuha matapos niyang ipag-utos.

“That was my number one priority, to make sure those photos no longer exist,” wika ni Villanueva.

“We identified the deputies involved, they came to the station on their own and had admitted they had taken them and they had deleted them. And we’re content that those involved did that.”

Maaalalang hindi rin ikinatuwa ng biyuda ni Bryant na si Vanessa ang pagkuha ng larawan sa crash site.

“This is an unspeakable violation of human decency, respect, and of the privacy rights of the victims and their families,” pahayag ng abugado ni Vanessa na si Gary Robb.

“We are demanding that those responsible for these alleged actions face the harshest possible discipline, and that their identities be brought to light, to ensure that the photos are not further disseminated. We are requesting an Internal Affairs investigation of these alleged incidents.” (BBC)