Nilinaw ni Kristine Zhenie “KZ” Tandingan na kakasimula pa lamang nila ni TJ Monterde ng paghahanda para sa kanilang pag-iisang dibdib.

Ito’y matapos lumikha ng ispekulasyon ang prenup photos nila ng kapwa singer na tila ikinasal na sila.

“So nung nag-shoot kami wala kaming dalang bulaklak so pumasok kami sa isang flower shop, bili kami bulaklak para kunwari may bulaklak tayo. So ‘yun ‘yung itsura naming na parang: Oy may bulaklak na ako! so ‘yun nag-assume na lang mga tao. Nag-congratulate na lang sila. But thank you pa rin,” saad nito sa push.

Inamin naman nito na sinadya nilang isagawa ang prenup shoot nitong February 28 kasabay ng kanilang “five years and one month” bilang magkasintahan.

Sa Japan ang napili nilang venue dahil pareho raw nilang paborito ang naturang bansa partikular ang mga pagkain at ugali ng mga tao.

-- Advertisement --

Kung maaalala, December 2019 nang maging engaged ang dalawa at posibleng ngayong taon ganapin ang seremonya.

Samantala, sumabay din sa ingay nitong weekend ang pagiging officially husband and wife na ng actress-turned politician na si Charee Pineda at longtime boyfriend na dati ring konsehal na si Martell Soledad.

Charee married

Ito’y sa pamamagitan ng civil wedding sa Valenzuela City Hall matapos ang pitong taong relasyon bilang magkasintahan.

Dinaluhan ng ilang sikat na personalidad gaya ni Yasmien Kurdi.

Si Martell Soledad ay pinsan umano ni Shalani Soledad-Romulo na dating girlfriend ni former President “Noynoy” Aquino.

Ang ngayo’y 29-year-old Fil-Am politician ay nakilala sa “Angelito: Ang Batang Ama.”

Sa kabilang dako, sunod namang aabangan ay ang inaasahang engrandeng kasal nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa darating na March 14.