-- Advertisements --
Nanawagan si Kyrgyz President Sadyr Japarov sa mga kababayan nito na magtiwala sa kanilang mga sundalo at mga strategic partners dahil sa naganap na sagupaan sa border ng Tajikistan.
Aabot sa mahigit 100 katao naman ang nasawi mula Setyembre 14 to 16 kung saan gumamit ng mga tanke, rocket artillery ang mga sundalo ng Kyrgyztan.
Dagdag pa ni Japarov na patuloy ang kanilang ginagawang hakbang para maresolba ang border issues nila ng Tajik sa mapayapang paraan.
Pagtitiyak din nito na hindi pa nila kailangan ng mga volunteer forces sa border.
Nagmula ang kaguluhan sa Central Asian border mula noong Soviet era kung saan sinubukan ng Moscow na pag-hiwalayin ang region sa pamamagitan ng grupo.