Nakatakdang magtuos sa fourth round ng Australian Open si Nick Kyrgios at ang top seed na si Rafael Nadal.

Ito’y matapos na malusutan ni Kyrgios si Karen Khachanov makaraan ang limang makapigil-hiningang sets sa loob ng mahigit apat na oras.

Tinuldukan ng Australian showman ang bakbakan nila ng Russian 16th seed sa harap ng home crowd sa 6-2, 7-6 (7/5), 6-7 (6/8), 6-7 (7/9), 7-6 (10/8).

“Mate, it was crazy, I don’t even know what to say right now, it was insane, I have no words for how I’m feeling right now,” wika ni Kyrgios.

“This is epic, man, I don’t even know what’s going on,” dagdag nito. “He’s (Khachanov) [was] an absolute warrior.”

Bago ito, nagapi ng world No. 1 na si Nadal ang kababayang si Pablo Carreno Busta, 6-1, 6-2, 6-4.

Nitong nakaraang taon nang tawagin ni Kyrgios si Nadal na “super salty,” at ginaya pa ang serving routine nito noong second round sa Melbourne Park.