-- Advertisements --

Nakipag-ugnayan na raw ang Department of Health (DOH) sa regional office nito sa Central Luzon matapos kwestyunin ni Pampanga Gov. Dennis Pineda ang integridad ng COVID-19 test results.

Nitong nakaraang linggo kasi nang aminin ng gobernador na ilan sa kanyang mga residente na unang nag-positibo sa COVID-19 ay bilang nag-test negative.

“We immediately coordinated with the regional office. Tinitingnan natin kung anong nangyari kasi ang sitwasyon ay nagkaroon ng isang pasyente o dalawa na tinest sa laboratoryo, after two days pina-repeat tests nila, at lumabas iba naman ang resulta,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

Nilinaw ng DOH spokesperson na may mandato ang ahensya para suriin ang kalidad ng mga laboratoryo.

Dapat daw ay consistent o tuloy-tuloy ang paglalabas ng licensed laboratories ng tamang resulta.

“Makikita sa gagawing quality assurance monitoring kung nasaan ang mga gaps sa mga laboratories natin para mabigyan natin ng immediate action.”

Sa isang public address, sinabi ni Gov. Pineda na 14 mula sa 23 positive patients ang biglang negative sa swab test. 12 naman mula sa hanay ng 15 pa pang positive patients ang pareho rin ang resulta sa sumunod na test.

What process are these laboratories using in testing? Are they testing one sample at a time? Do they follow protocols? Are their machines in good shape? Are the results reliable? We would like to know because the Pampanga Covid-19 Center would like to help our patients in the most appropriate manner,” ani Pineda.