Kinuwestiyon ni Sen. Sherwin Gatchalian ang tila bigong pagkolekta ng pamahalaan sa bilyon-bilyong piso na kita ng mga Philippine offshore gaming operator (POGO) hubs.

Ito ang tugon ni Gatchalian kasabay ng panawagan na imbestigasyon ng Senado sa issue.

Nabatid ng senador ang reklamo ng Chinese Embassy kamakailan na maraming illegal Chinese workers sa mga POGO hubs.

“A large number of Chinese citizens have been illegally recruited and hired in the Philippine gambling industry. In many cases, the employers og Philippine casinos, POGOs and other forms of gambling entities do not apply necessary legal work permits for their Chinese employees. Some Chinese citizens are even lured into and cheated to work illegally with only tourist visas,” ayon sa Embassy.

Batay sa record ng Bureau of Internal Revenue (BIR) nasa 16,500 Chinese POGO workers lang ang rehistrado.

Ito ay sa kabila ng 200,000 na sinasabing bilang ng naturang mga empleyado.

Sa isang panayam sinabi ni Gatchalian na kailangang masilip kung talagang nakikinabang ang gobyerno sa operasyon ng mga sugalan.

Nais din nito na masiguro na hindi ginagamit sa money laundering at iba pang krimen ang perang pumapasok sa POGO hubs.