-- Advertisements --
IMG 20200601 171046

Ginagawan na umano ng paraan ng Department of Transportation (DoTr) ang isyu sa kumpulan ng mga pasahero sa ilang lugar sa Metro Manila matapos ilagay na sa general community quarantine (GCQ).

Partikular na rito ang kapansin-pansing kumpulan ng mga commuters sa Commonwealth Avenue sa Quezon City at ilang lugar sa Metro Manila kaninang umaga.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Edurdo Año, magsasagawa raw ng adjustment ang DoTr sa naturang isyu at sa mga susunod na araw ay masolusyunan na ito.

Kasabay nito, hiniling ni Año ang pang-unawa ng mga mananakay dahil na rin sa pagbuhos ng mga commuters kaninang umaga.

Sa mga lumabas na pictures sa social media, makikita rito ang kumpulan ng mga mananakay at hindi na nasunod ang physical distancing.

Ito ay dahil na rin sa kakulangan ng mga pumapasadang mga sasakyan sa ilang lugar sa Metro Manila.