-- Advertisements --

Pinabulaan ni House Majority Leader Martin Romualdez na mayroong namumuong coup plot sa House leadership.

Kasunod ito sa paglabas ng usapin na ang grupo ni Romualdez ay nagpa-planong mapatalsik sa puwesto si House Speaker Lord Allan Velasco.

Sinabi ni Romualdez na naging maganda ang relasyon nila kay Velasco at ang lumutan ng usapin ay walang katotohanan.

Magugunitang umupo sa puwesto si Velasco bilang House Speaker matapos ipatupad ang term-sharing sa pagitan nila ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano.