Hinikayat ng Kidney Transplant Association of the Philippines (KTAP) ang mga Pilipino na nais mag-donate ng kidney.
Ito ay sa kadahilanang libo-libong pasyente ang nangangailangan nito upang madugtungan at mabigyan ng pangalawang pagkakataon sa buhay.
Ayon kay KTAP assistant auditor Liberty Calla, humigit-kumulang nasa 3,000 indibidwal na may mga sakit sa bato ang nangangailangan ng transplantasyon.
Batay naman sa panayam kay KTAP Liturgy Community chair Abraham Mirandilla sinabi niya na personal siyang sumailalim sa transplant at galing ang kaniyang kidney sa isang living non-related donor habang nanggaling naman ang kidney ni Calla mula sa isang deceased donor.
Samantala, binigyang diin niya rin na kinakailangan na 18-taong gulang pataas lamang ang maaaring mag-donate.
Bukod sa organ donation, isinusulong din ng KTAP ang kidney disease awareness upang makontrol at maiwasan ang naturang sakit.