BUTUAN CITY – Sobrang delikado na nayon ang sitwasyon sa Israel dahil sa patuloy na pang-aatake ng Iran gamit ang mga drone at ballistic missiles kung kaya’t pinapayuhan sila ng Israeli Defense Forces na palaging mag-ingat at iwasang lumabas ng bahay.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Bombo international news correspondent Shay Kabayan na nakaranas na sila ngayon ng krisis dahil simula pa nitong Biernes ay wala na silang trabaho, dahil sa pang-aatake ng Iran.
Hindi rin sila makakatulog ng maayos dahil dakong ala-una hanggang alas-kwatro ng madaling araw aatake ang Iran gamit ang mga drones at ballistic missiles kung kaya’t palagi na ang silang nasa kani-kanilang bomb shelter.
Hindi rin nagpabaya sa kanilang trabaho ang Philippine Embassy sa Israel na palaging nagpapalabas ng advisory para sa kaligtasan ng lahat ng mga Pinoy lalo na’t may mga Pinoy ng na-ospital matapos matamaan sa mga debris ng bomba at mga gusaling natamaan nito.