Inilaan ni Kris Aquino ang huling araw ng Hunyo sa panonood ng ilang Korean TV series.

Ayon sa 49-year -old former presidential sister at Queen of All Media, ito’y upang makondisyon ang kanyang sarili para sa muling pagsabak sa taping matapos ang mahabang panahong pagkawala sa limelight.

Para kay Kris, walang problema sa pagsisimulang muli sa buhay at normal lang din na makaramdam ng kaunting takot sa panibagong kakailanganing adjustment.

Una na nitong inamin na umaasa pa rin siya na matatagpuan ang kanyang “Mr. Right” kasabay ng magandang takbo ng bagong chapter ng kanyang buhay.

Nabatid na dalawang taon na mula nang tumigil sa paglabas sa telebisyon at pelikula ang dating misis ng basketbolistang si James Yap dahil sa isyu ng kalusugan.

Habang kamakailan lang ay ipinapaubaya na nito sa Panginoon ang planong pagkuha ng kursong Political Science.