Matapos magpahiwatig sa muling pagbabalik ng presensya, tila bakas din ang pag-asa ni Kris Aquino na matatagpuan pa rin ang kanyang “Mr. Right.”

Ayon sa 49-year -old former presidential sister at Queen of All Media, maganda na ang takbo ng bagong chapter ng kanyang buhay pero baka bigyan pa siya ng Diyos ng bonus na love life.

Nabatid na dalawang taon na mula nang tumigil sa paglabas sa telebisyon at pelikula ang dating misis ng basketbolistang si James Yap dahil sa isyu ng kalusugan.

Habang kamakailan lang ay ipinapaubaya na nito sa Panginoon ang planong pagkuha ng kursong Political Science.