-- Advertisements --

Pinasalamatan ni Kris Aquino ang mga supporters matapos ang matagumpay nitong operasyon.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng larawan kasama ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby habang ito ay nagpapagaling.

Ibinahagi rin nito ang karanasan sa loob ng limang araw kung saan dahil sa patuloy na pagdarasal ng mga fans ay tumatagal pa ang buhay nito.

Nitong Martes ng umaga ng humingi ito ng pagdarasal dahil sa pagsasailalim niya ng operasyon na may kinalaman sa kaniyang autoimmune disease.

Ang nasabing pagdarasal aniya ay hindi lamang para sa kaniya at sa halip ay para na rin sa kaniyang dalawang anak.

Magugunitang mula sa Tarlac ay ibinunyag ng Queen of all media na ito ay naninirahan ito sa private residence sa Makati.