-- Advertisements --

Patuloy ang pagbuti ng kalagayan ng tv host / actress Kris Aquino.

Kinumpirma ng kaniyang anak na si Bimby habang nasa US ang ina at nagpapagaling.

Dagdag pa nito na nadagdagan na rin ang timbang ng ina na mayroon na ngayong 103 pounds.

Kuwento pa nito na mayroong dalawang nurses na nakatalaga sa ina at kasama niya ang mga ito na natutulog.

Magugunitang nasa US ang actress matapos na ma-diagnosed siya ng iba’t-ibang autoimmune disease.