-- Advertisements --

Muling na-diagnose ng panibagong autoimmune diseases si Kris Aquino habang ito ay sumasailalim sa mga medical test sa US.

Ayon sa kaniyang kapatid na si Ballsy Aquino, patuloy pa rin ang kaniyang medical team na naghahanap ng mga gamot para sa sakit ng actress.

Gumagawa aniya ang kaniyang mga doctors ng paraan para magamot ang sakit nito.

Isa sa mga malaking hamon para sa TV-host actress ang pagkakaroon niya ng maraming allergies sa mga gamot.

Nakatakda rin itong magtungo sa ibang mga doctor para sa karagdagang pagsusuri.

Huling nagbigay ng update ang TV host ay noong Hunyo ng magpositibo sa COVID-19 ang dalawang anak kung saan ibinahagi nito ang tatlong kumpirmadong autoimmune condition niya, tulad ng autoimmune thyroiditis, chronic spontaneous urticaria (CSU) at Churg Strauss syndrome o sa kabuuan ay kilala bilang EGPA.