Bakas ang kaligayahan ni Kris Aquino na nakauwi na ito sa kanilang tahanan matapos ang halos tatlong buwang biglaang pananatili sa Puerto Galera.

Ayon sa 49-year-old “Queen of All Media,” nakakuha siya ng lahat ng kailangang clearance at permit para makauwi na right timing sa 25th birthday ng panganay nitong si Josh.

Nabatid na napa-quarantine sa Puerto Galera ang dating presidential sister kasama ang dalawang anak dahil naabutan ng ipinatupad na enhanced community quarantine sa Luzon bunsod ng coronavirus crisis.