Bumaba ng 50% ang naitalang krimen sa Pilipinas sa nakalipas na limang taon sa ilalim ng administrasyon ni Panglong Rodrigo Duterte.
Iniulat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III na ang naitalang insidente ng krimen mula noong 2016 ay nasa 1.35 million na kalahati ng 2.7 million na naitala mula noong taong 2010 hanggang 2015.
Ayon sa DILG official na nakatulong ang drug war ng Duterte adminsitration para mapababa ang crime rate sa bansa kung saan karamihan aniya sa mga offenses na nacommit sa nakalipas na mga taon ay may kinalman sa iligal na droga.
Aniya, ilang laboratoryo ng iligal na droga ang itinigil ang kanilang operasyon at ilang drug lords ang linisan ang bansa sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Duterte.
Sa kabila nito, umani ng samu’t saring batikos ang war on driugs ng kasalukuyang adminsitrasyon maging sa ibang bansa dahil sa mga napatay na drug suspects kung saan ayon sa ilang human rights groups aabot sa 30,000 ang death toll sa drug war ni Duterte.
Ngunit sa gitna ng nga kritisismo at imbestigasyon s aposibleng paglabag sa karapatang pantao, patuloy na nanindigan ang Pangulong Duterte na wala siyang dapat na ihingi ng patawad kaugnay sa kaniyang kampaniya labansa iligal na droga.