-- Advertisements --

CRIME VOLUME SA CENTRAL VISAYAS, BUMABA NG 9.59% NOONG HOLY WEEK

Bahagyang nakitaan ng pagbaba ng insidente ng krimen sa Central Visayas sa pagdiriwang ng Semana Santa.

Mula Abril 2 hanggang 8, 2023, bumaba ng 9.59% ang focus crimes dito kung ikukumpara sa nagdaang linggo o mula Marso 26 hanggang Abril 1, 2023.

Ayon sa Police Regional Office-7 na maaaring maiugnay ang pagbaba nito sa preventive measures na ipinatupad sa panahong iyon ng lahat ng istasyon at yunit ng pulisya.

Sinabi pa ni PRO7 Director PBGen Anthony Aberin na pinaigting ng pulisya dito ang mga hakbang sa seguridad tulad ng malawakang
pagpapakalat ng impormasyon, mga regular na paalala, at mga tip sa publiko habang naglalakbay at dumadalo sa mga religious activities.

“We attribute this decline of crime occurrence to the very cooperative and responsive people of Central Visayas who worked with PRO 7 in the pursuit of having a safe, secured and solemn observance of the Holy Week. With our strong, strategic and consistent alliance with the community, peace and security shall prevail”, ani PBGen Aberin.