-- Advertisements --

Kinuwestiyon ng human rights lawyer na si Atty. Dino De Leon ang kredibilidad ng 18 nagpakilalang dating Marines na tumestigo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong Huwebes, Hunyo 4, kaugnay ng mga maanomalyang flood control projects.

Sa isang pulong balitaan ngayong Sabado, Hunyo 6, inisa-isa ng abogado ang mga dahilan kung bakit kaduda-duda ang pahayag ng mga dating sundalo.

Ayon kay De Leon, apat sa mga testigo ang walang rekord sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas, habang ang ilan naman ay napatalsik o “dishonorably discharged” mula sa serbisyo.

Binigyang-diin niya ang pagkakabuhol-buhol ng kuwento ng mga ito ukol sa P805-billion kickbacks mula sa flood control projects, na inilagay diumano sa mga maleta at dinala sa mga matataas na opisyal ng pamahalaan.

Sinabi rin ng abogado na marami sa mga testigo ang may hindi magandang rekord ng pagsisinungaling.

Binanatan din ni De Leon ang tila “leading questions” sa ex-Marines, kung saan hayagan niyang sinabi na mukhang “rehearsed at kino-coach” ang mga ito sa kanilang mga isasagot.