-- Advertisements --

Hinamon ni Atty. Dino De Leon, isang human rights lawyer, si Senador Alan Peter Cayetano na magharap ng 13 “warm bodies” o pisikal na dadalong senador sa sesyon sa Lunes, Hunyo 8.

Ang hakbang na ito ay upang patunayan na hawak pa rin ni Cayetano ang mayorya at may lehitimo siyang kapangyarihan bilang Senate President.

Isinagawa ni De Leon ang hamon kasunod ng matinding dispute sa pamumuno sa Senado. Patuloy na iginigiit ng kampo ni Cayetano na siya ang namumuno sa institusyon, sa kabila ng opisyal na deklarasyon ng quorum ng karibal na bloc sa pamumuno ni Senador Sherwin Gatchalian.

Ayon sa abogado, tatahimik at uurong na sila kung kaya ni Cayetano na makapagpakita ng 13 senador sa plenaryo.

Gayunman, kung sampung miyembro lamang ang mayroon ito, tahasang binanatan ni De Leon ang senador at kinuwestiyon kung saan umano nito “kinukuha ang kapal ng mukha” para sabihing siya pa rin ang Senate President.