Pumanaw na ang isa sa miyembro ng Korean boy band na TST na si Yohan sa edad 28.

Kinumpirma ito ng kaniyang kaanak subalit hindi na binaggit pa ang sanhi ng kamatayan nito.

Nagdiwang pa ng kaniyang ika-28 kaarawan noong nakaraang dalawang buwan si Yohan o Kim Jung-hwan sa tunay na buhay.

Nakaburol ang labi nito sa Severance Hospital sa Sinchon at nakatakdang ilibing ito sa Yongin Catholic Church Park sa Hunyo 18.