-- Advertisements --

Nanawagan ang Kosovan Olympic Committee (KOC) sa International Olympic Committee (IOC) at International Tennis Federation (ITF) na patawan ng disciplinary action laban kay Novak Djokovic.

May kauganayan ito sa naging pahayag ng Serbian tennis star ukol sa nagaganap na kaguluhan sa Kosovo.

Inihayag kasi nito sa kaniyang social media na bahagi umano ng Serbia ang Kosovo.

Sa sulat ni KOC President Ismet Krasniqi na ang pahayag ni Djokovic ay isang paglabag sa fundamental principle ng IOC charter kung saan ipinagbabawal ang mga atleta na makisawsaw sa mga usapin ng pangpulitika.

Mula pa noong nakaraang linggo kasi ay sumiklab ang kaguluhan sa Kosovo matapos na ang ethnically Albanian mayors ay naupo sa puwesto sa northern Kosovo na inaayawan ng mga Kosovo Serb.

Taong 2008 ng makuha ng Kosovo ang kaniyang kalayaan sa Serbia.