Tinanggihan ng korte sa South Korea ang kahilingan ng special prosecutor na mag-isyu ng warrant of arrest laban kay dating SoKor president Yoon Suk Yeol kaugnay ng kanyang pagtangka na magdeklara ng martial law noong Disyembre ng kasalukuyang taon.
Ayon sa mga abugado ni Yoon, ang special prosecutor ay nag-akusa aniya sa dating pangulo ng “obstruction” matapos nitong tumangging sumagot sa mga paanyaya para sa interrogation. Kinuwestion naman ng legal team ni Yoon ang imbestigasyon, at sinabing isa lamang itong “political motive.”
Gayunpaman, sinabi ng kanyang mga abogado na tutugon si Yoon sa susunod na paanyaya at magpapakita para sa interrogation na gagawin sa Sabado. Inihayag din ng mga prosecutor na magsasagawa sila ng panibagong warrant kung hindi magpapakita si Yoon.
Magugunitang nahaharap si Yoon ng mga kasong insurrecion at ibang krimen kaugnay ng pagde-deklara nito ng martial law, na maaaring magresulta sa habambuhay na pagkabilanggo o parusang kamatayan.
Nabatid na ang imbestigasyon na pinangunahan ng bagong special prosecutor ay itinalaga ni President-elect Lee Jae-myung.
Samantala, ipinag-utos ng hukuman ang pagpapalawig ng detention ng dating defense secretary na si Kim Yong-hyun, isa sa mga nagplano umano ng martial law.