-- Advertisements --
Nangako ang bagong halal na pangulo ng South Korea na si Lee Jae-myung na kaniyang pagkakaisahin ang mamamayan.
Matapos ang kaniyang panalo sa halalan laban sa katunggali nitong si Kim Moon-so na katunggali ng pinatalsik na si Yoon Suk Yeol.
Nakakuha si Jae-myung ng 49.4 percent na boto sa ginanap na snap election.
Isinagawa ang snap election matapos na mapatalsik si Yoon dahil sa tangka nitong pagdeklara ng martial law para pagtakpan ang mga kontrobersiyang kinakaharap.
Giit nito na dapat kalimutan na ng tao ang naganap na kaguluhan noong pinatalsik na ang dating namumuno.