-- Advertisements --

Inatasan ng korte suprema sa Pakistan ang kanilang kapulisan na agarang magsagawa ng imbestigasyon sa nangyaring pamamaril kay dating Prime Minister Imran Khan.

Nagtamo ng sugat sa binti si Khan matapos na barilin habang pinangunahan ang protest march noong nakaraang linggo.

Isang katao ang nasawi at 10 ang nasugatan sa nasabing insidente habang naaresto nila ang isang suspek.

Inakusahan nito ang mga kasalukuyang namumuno ng gobyerno na itinanggi naman nila.

Nalaman ng korte suprema na hindi pa nagsagawa ang kapulisan ng imbestigasyon matapos ang apat na araw kaya inatasan nila ang mga ito na mag-imbestiga agad.