-- Advertisements --

Ipinag-utos ng Korte Suprema kay Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Rueda- Acosta na magbayad ng multang P180,000 para sa indirect contempt dahil sa kanyang naging umano paninira online sa isang bagong panuntunan.

Sa isang press statement, nagkakaisa ang pagboto ng SC en banc na ang mga naging pahayag at innuendo ni Acosta sa kanyang Facebook page, na naa-access ng publiko ay nag-dulot ng masamang hangarin at malisya sa Korte

Ito ay may kinalaman sa kanyang mga aksyon kaugnay ng kanyang pagtutol sa panukalang new conflict of interest rule para sa PAO, na kalaunan ay naging Section 22, Canon III ng Code of Professional Responsibility and Accountability (CPRA).

Sinabi ng SC na sinubukan ni Acosta na impluwensiyahan ang opinyon ng publiko para ipilit sa Korte na tanggapin ang kanyang posisyon sa pamamagitan ng paglulunsad ng pampublikong kampanya laban sa bagong alituntunin ng conflict of interest para sa PAO na nakadirekta sa mga pampublikong abogado, kawani ng PAO at mga kliyente, gayundin ang pagsasapubliko ng mga nilalaman ng mga liham ng PAO kay Chief Justice Alexander Gesmundo kung saan hiniling niya ang pagtanggal ng naturang panuntunan.

Kaugnay nito, pinagmulta si Acosta ng P30,000 para sa indirect contempt of Court at P150,000 para sa Grossly Undignified Conduct Prejudicial to the Administration of Justice kaakibat ang mahigpit na babala na sakaling maulit ang nasabing pagkakasala ay mas matindi ang magiging parusa. (With reports from Bombo Everly Rico)