Idineklarang unconstitutional o labag sa konstitusyon ang probisyon sa isang collective bargaining agreement na nagtatakda ng mas mababang mandatoryong retirement age para sa mga kababaihang cabin attendants kumpara sa male cabin crew.
Ito ay ang Section 144(A) ng 2000-2005 collective bargaining agreement sa pagitan ng Philippine Airlines at Flight Attendants and Stewards Association of the Philippines.
Sa naturang probisyon, itinakda ang compulsary retirement age para sa mga kababaihang cabin attendants sa edad na 55 taong gulang at male cabin attendants sa edad na 60 taong gulang.
Ang naturang kaso ay nag-ugat mula sa 2019 petition na inihain ng female cabin attendants ng airline.
Ayon sa kataas-taasang hukuman, hindi sapat ang katibayan para suportahan ang konklusyon na ang mga kababaihang flight attendants edad 55 hanggang 59 ay wala ng sapat na kapasidad para magampanan ang kanilang tungkulin gaya ng pagbubukas ng emergency doors, agility o pagiging maliksi sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga pasahero at stamina para makayanan ang nakakahapong flight schedules.