Inilalatag na ng Korte Suprema ang mga panuntunan sa paghawak sa anti-terrorism cases.
Sinabi ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo na ang rules para sa anti-terror cases ay para matiyak na marerespeto ang mga karapatan ng mamamayan at ang karapatan din ng estado ay mapoprotektahan.
Target ng Supreme Court na mailabas ang rules sa unang quarter ng 2023 para mabusisi ng publiko at maikonsulta sa stakeholders.
Sinabi ni Gesmundo na hindi nasapatan ang Korte Suprema sa paglalabas ng desisyon ukol sa constitutionality ng Anti- Terrorism Law.
Nais aniya ng SC na masiguro na ang implementasyon ng batas ay tama sa oras na ito ay mapunta sa hukuman.
Sa desisyon ng SC noong Disyembre 2021, pinagtibay nito ang legalidad ng Anti Terror Law at tanging dalawang probisyon nito ang idineklarang labag sa Saligang Batas.