Isasailalim sa ilang araw na lockdown ang Metropolitan Trial Court (MeTC) sa Maynila dahil pa rin sa pagpositibo ng ilang empleyado nito sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Base sa memorandum na inilabas ng Office of the Court Administrator ng Supreme Court sa pamamagitan ng verbal instructions na natanggpa mula kay Assistant Court Administrator Maria Regina Adoracion Filomena M. Ignacio, kabilang sa mga isasailalim sa lockdown ang MeTC Manila Branch 30 na matatagpuan sa Manila City Hal mula July 13, 2020 hanggang July 24, 2020 at MeTC Manila Office of the Clerk of Court (MeTC OCC) na matatagpuan sa Parkview Plaza Building mula July 13, 2020 hanggang July 22, 2020.
Nakasaad sa memo na pirmado ni Executive Judge Carissa Anne Manook-Frondozo, may isang empleyado ng MeTC Manila OCC at isang empleyado ng MeTC Manila Branch 30 na nagpositibo sa COVID-19 matapos maisailalim sa RT-PCR o swab test.
Ang naturang empleyado ng MeTC OCC ay huli umanong nag-report sa trabaho noong July 8, habang noong July 10 ang empleyado ng Branch 30.
Dahil dito, ang mga empleyado ay direktang na-expose o nakasalumuha ang mga naturang kawaning COVID-19 positive.
Kaya naman pinagpasyahan na pansamantalang suspendihin ang operasyon sa dalawang opisina.
Pinaalalahanan din ang mga kawani ng mga opisina apektado ng lockdown na sumailalim sa self-quarantine sa loob ng 14 na araw.
Magsasagawa rin ng contact tracing sa lahat ng mga taong may contact sa dalawang pasyente.
Samantala, nabanggit sa memo na ang MeTC Manila Branch 30 ay maaaring magdaos ng video conference hearings at tumanggap ng pleading sa pamamagitan ng e-mail sa panahon ng quarantine.
Habang ang MeTC OCC ay maaring tumanggap ng mga aplikasyon para sa piyansa at iba pang concern sa mga mahahalagang bagay sa pamamagitan ng kanilang hotline o email.