-- Advertisements --

Ipinag-utos na ng Bureau of Immigration (BI) na i-ban ang dalawang Korean nationals na nagprisinta ng kopya ng pekeng marriage certificate sa mga Pinay.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang mga suspek ay sina Shin Bumsik at Woo Jungje na nahuli sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA).

Ang pangalan ng mga suspek ay ilalagay na rin sa Immigration blacklist of undesirable aliens.

Kasabay nito, nagbabala si Morente sa mga banyagang nais pumasok sa bansa na huwag silang gumamit ng mga pekeng dokumento dahil agad silang pababalikin sa bansang kanilang pinagmulang bansa at hindi na kailanman makakapasok sa bansa.

Nagpaalala rin ang BI Chief na hindi garantiya ang pagkakaroon ng entry visa para sa mga banyaga na makapasok sa bansa dahil may mandato raw ang mga immigration officers na i-assess ang mga dumating na foreigners.

Kapag nakarating ang mga banyaga dito sa bansa ay may discretion ang BI officer na tanungin kung ano ang layunin ng kanilang pagbiyahe sa Pilipinas at bubusisihin ang kanilang mga dokumento.

“Don’t trick our officers by presenting bogus marriage certificates because that will not work.  You will be turned back to where you came from and can no longer return to our country. If you lie and resort to fraud and misrepresentation, you are unfit to be given the privilege to enter our country.  You will be excluded and booked on the first available flight back to your port of origin,” wika ni Morente.