Dahil sa kooperasyon ng publiko kung kayat mabilis na naaresto ang suspek sa pagpatay sa Assistant Special Prosecutor ng Office of the Ombudsman na si Atty. Madonna Joy Ednaco Tanyag.

Sinabi ni PNP chief PDGen. Oscar Albayalde na si Angelito Avenido ay isang jeepney Barker, na tubong General Santos City, at nakatira sa Culiat compound Quezon City.

Pinuri naman ni Albayalde ang Quezon City Police District dahil sa mabilis na pagkakahuli sa supek sa isinagawa nitong hot pursuit operations, ilang oras lamang makalipas ang malagim na krimen.

Ayon kay Albayalde, natukoy ang suspek batay sa CCTV footage na nakalap ng mga rumespondeng pulis.

Itinuturing din daw na “chance victim” ng ni Avenido si Tanyag, na kanyang sinaksak ng tatlong beses sa loob ng sasakyan, nang tangkain niyang i-hold-up ito kahapon bandang alas-11:00 ng tanghali sa Visayas Avenue, Vasra.

Mariin namang itinanggi ni Albayalde na fall-guy si Avenido.

Ipinagmamalaki pa umano ng suspek ang ginawa nitong krimen sa testigong si Rogelio Dario at sinabihan na panoorin ang ulat sa telebisyon.

Nakuha din sa tahanan ng suspek ang dalawang ID ni Tanyag at samu’t saring mga gamit ng mga umano’y iba pang nabiktima ng suspek sa “basag-kotse” modus.